Bulletin No. 4, April 30, 2020

PARA PO SA LAHAT NG AMING MGA TAGA-TANGKILIK:

Dahil NA-EXTEND muli ang Enhance Community Quarantine (ECQ) hanggang May 15, 2020, ay ipinababatid ng pamunuan ng Tanay Water District ang mga sumusunod:

  1. Ang gagawin po na basehan ng May-2020 water bill ay ang “average consumption” ng nakalipas na 3 buwan;
  2. Kung anuman ang magiging kaibahan o difference kumpara sa actual meter reading, matapos ang ECQ, ay isasama o ibabawas sa inyong susunod na water bill notice na may kaukulang halaga ng “adjustment”.
  3. Suspended o waived ang lahat ng penalty mula March hanggang May 2020 bills;
  4. NO Disconnection o putulan  hanggang June 15, 2020;
  5. Para malaman ang halaga ng water bills, paki-TEXT lamang po ang inyong ACCOUNT NUMBER at ACCOUNT NAME sa Mobile Nos.: 0961-1197965 (Smart);    0917-8941990 (Globe) o sa Facebook Page: www.facebook.com/tanaywd;
  6. Wala pa pong “Over-the-Counter-Payment” (OTC) dahil sa mahigpit na alituntunin ng ECQ, ipagpapatuloy po ang OTC kapag “lifted” o “downgraded” na ang ECQ sa ating bayan.
  7. Maari po kayong magbayad ONLINE ng inyong water bills sa LANDBANK, kinakailangan lamang po ng mga sumusunod:
  • Kailangan mayroon po kayong active account sa Landbank;
  • Search sa internet ang www.landbank.com, hanapin ang LinkBizPortal, click PAYNOW, hanapin ang Tanay Water District sa MERCHANT LIST, click CONTINUE and fill-in the necessary data;
  • Mangyaring i-POST sa aming FB Page ang screenshot ng inyong payment na makikita ang Landbank Payment Reference No.;
  •  Maghintay lamang po sa mga sumusunod pang anunsyo.

Maraming salamat po sa patuloy ninyong pagtangkilik sa Tanay Water District. Keep safe and healthy.