Para sa aming Tagatangkilik:
Nais po naming ipaabot sa inyong kaalaman na ang Tanay Water District ay may isinasagawang emergency mainline leak repair sa kasalukuyan, April 23, 2017 sa Sampaloc Rd. cor Manila East Rd.
Dahil po dito, ang lugar ng De Castro Subdivision at mga kabahayan na nasa Sampaloc rd mula sa Shell hanggang De Castro ay wala pong tubig. Kasama na rin po ang Sitio Lubigan. May water tanker kami na nakalaan para magrasyon ng tubig. Maaari din po kayong magsalok ng tubig sa aming opisina kung kinakailangan.
Apektado rin po ang mga matataas na lugar sa paghina ng suplay o pagkawala ng tubig sa kadahilanang hindi namin mapatakbo ang Hugasan Pumping Station dahil sa pumutok na tubo sa nabanggit na lugar.
Maibabalik po ang suplay ng tubig mamayang 5:00 pm.
Paumanhin po sa naging abala sa inyo.
Maraming Salamat Po.