Bulletin No. 5, June 13, 2020
PARA PO SA LAHAT NG AMING MGA TAGA-TANGKILIK
Kasagutan po ng TanWD sa mga katanungan para sa inyong Water Bill nuong Enhance Community Quarantine (ECQ) at ngayong General Community Quarantine (GCQ).
1. Para sa water bill ninyo nuong Abril 2020, ito po ay ibinase sa average cubic meter consumption ninyo ng huling tatlong (3) buwan, ganun din po sa buwan ng Mayo 2020. (Paki tingnan po sa FB Page ng TanWD – Bulletin No. 2. Nalathala noong March 30, 2020, Bulletin No. 3, April 13, 2020 at Bulletin No. 4, April 30, 2020). Bilang pagtalima sa mga kautusan na itinakda dahil sa ECQ/GCQ ay hindi pinalabas upang mag-actual reading ang aming mga Meter Readers para sa kanilang proteksyon, kung kaya’t ito ay nag resulta sa averaging.
Halimbawa 1: KONSUMO NG TUBIG
Nakonsumo ng Enero = 25 cu.m.
Nakonsumo ng Pebrero = 20 cu.m.
Nakonsumo ng Marso = 30 cu.m.
Total = 75 cu.m.
Divided by number of months = 3 months
Average para sa Abril = 25 cu.m.
2. Ang water bill po naman ninyo sa buwan ng Hunyo 2020 ay ACTUAL na reading at ADJUSTED na sa konsumo, ibinawas po ang average consumption sa buwan ng Abril at Mayo 2020.
Halimbawa 2: “ACTUAL” NA KONSUMO NG TUBIG
Actual Reading ng Hunyo = 1150
Actual Reading ng Marso = -1050
Actual na Konsumo = 100 cu.m.
Less: Konsumo – Abril (Ave.) = -25 cu.m.
Less: Konsumo – Mayo (Ave.) = -25 cu.m.
Adjusted na Konsumo – Hunyo = 50 cu.m.
3. Maari po na tumaas ang inyong bill sa panahon ng ECQ/GCQ sa kadahilanang lahat po tayo na nasa loob ng bahay ay gumagamit ng tubig, na dati-rati naman na walang ECQ/GCQ ay pumapasok tayo sa trabaho, school, business at ibapa. Nakadagdag pa ang init ng panahon, at dahil sa banta ng COVID 19 ay kinakailangan nating maghugas palagi ng ating mga kamay ayon sa DOH.
4. Ang “PENALTY” ay AUTOMATIC COMPUTATION na naka-program sa Billing and Collection System.
Ngunit ang TanWD ay WALANG ISINAGAWA na “PENALTY CHARGES” mula Marso hanggang Mayo 2020 ayon sa aming nailathala sa Facebook Page Bulletin No. 3, April 13, 2020 at Bulletin No. 4, April 30, 2020) mula Marso hanggang Mayo.
5. Ang TanWD po ay may sinusunod na TARIPA SA HALAGA NG TUBIG batay na rin sa LWUA BOT Board Resulution No. 170 dated July 13, 2010 at nai-adiopt ng TanWD sa bisa ng Board Resolution No. 2010-116 dated Nov. 10, 2010. (MAGSASAPUNG (10) TAON NA PPO KAMING HINDI NAGTATAAS NG WATER RATES)
6. Pinakikiusap ng pamunuan ng TanWD na iwasan po natin gumamit ng mga salita na maaring maging labag sa umiiral na batas.
7. Maghintay po ng mga susunod na update para sa inyong kabatiran.
TANAY WATER DISITRICT