Para sa aming mga Tagatangkilik sa Brgy. Sampaloc:

Nais po naming ipagbigay alam na nagsimula na po kaming mag test run ng pumping station sa Balikatan Phase 2 noong March 1, 2020.

Dahil po dito makakaranas po ng bahagyang paglakas ng daloy ng tubig mula 6am hanggang 6pm sa mga sumusunod na lugar:

1. Hilltop area at mga karatig lugar
2. Balikatan 1 area at mga karatig lugar
3. Balikatan 2 area at mga karatig lugar
4. Ang kahabaan ng Marcos Hiway mula Hilltop hanggang Gate 1 ( Camp Capinpin) at mga karatig lugar.

Limitado pa po ang operasyon ng nabanggit na pumping station dahil generator palang po ang aming gamit at temporary pa lamang po ang mga structures at equipment na nakalagay doon.

Kasalukuyan po kaming magsasagawa ng operational adjustments para po maging ang ibang lugar ay mabigyan ng sapat na daloy ng tubig.

Pinapayuhan po na mangyaring mag ipon pa rin po tayo ng tubig at magtipid para po sa mga oras na mahina ang suplay ay may magagamit pa rin po tayo.

Maraming Salamat po.