Bulletin No. 3, April 13, 2020
PARA PO SA LAHAT NG AMING MGA TAGA-TANGKILIK:
Dahil sa pinalawig na Enhanced Community Quarantine (ECQ) hanggang April 30, 2020 ay ipinababatid ng pamunuan ng Tanay Water District ang mga sumusunod:
- Suspended o waived ang lahat ng penalty sa inyong April 2020 bills at walang magaganap na disconnection o putulan ng serbisyo hanggang May 15, 2020.
- Mangyaring bisitahin po ang inyong mga metro / tubo upang masiguro na walang leak o tagas ang mga ito.
- Maari po kayong magbayad ONLINE ng inyong water bill sa LANDBANK, kinakailangan lamang po ng mga sumusunod :
- Kailangang mayroon po kayong active account sa Landbank;
- Search sa internet ang www.landbank.com, hanapin ang Link.BizPortal, click PAYNOW, hanapin ang Tanay Water District sa MERCHANT LIST, click CONTINUE and fill-in the necessary data.
Para malaman ang halaga ng inyong bayarin, pakitext lamang po ang inyong ACCOUNT NUMBER at PANGALAN sa mga sumusunod na numero:
Mobile Nos.: 0961-1197965 (Smart) ; 0917-8941990 (Globe)
Facebook Page: www.facebook.com/tanaywd
Maghintay lamang po sa mga sususunod pang anunsyo.
Maraming salamat po sa patuloy ninyong pagtangkilik sa Tanay Water District. Keep safe and healthy.
TANAY WATER DISTRICT